Momomo-monster Kill!
Posted by eoty natividad in Mind Games on March 1, 2012
“Anyare?”, tanong ng bata.
Ang sabe ko: “eto, kailangan ko ng maraming buffs para hindi tablan ng mga hits nila. (Sabay pakita ng sandamakmak na listahan ng buffs.) Kaso may problema, kapos ako sa gold.
“Grabe, andami naman! Bakit ganun? Weak ka ba?”, pasigaw na reaksyon ng bata.
“Medyo bano ata ako. Mali-mali ata ang nalagay ko sa stats kaya nagkakasakitan sila sa loob ng katawan ko. Ayun, onti-onti ata silang nagpapatayan sa loob. Minsan nga’y nakarinig ako ng ‘First blood!’, tapos noong isang araw naman, ‘momomo-monster kill! at ito malupit, kanina ‘guma-god like pa!’
“Grabe naman yan, sige tutulungan kita, i-heal muna kita, tapos bibigyan kita ng maraming buffs for free!”
, sabi ng bata.
Pagkalipas ng ilang oras ay bigla akong nauhaw. Naakit ako sa maganda at malamig na botelya na alok ng ka-guild ko. Pagka-inum ay para itong lason na dumaloy sa aking katawan. Ayun, na de-buff na pala ako!
~eoty 03-01-2012
Depresyon Grande
Posted by eoty natividad in Personal on August 25, 2011
Recently, I’ve been working hard that I wasn’t able to do other things like the stuffs that serves as my emotional outlet. It was a big mistake for my emotional storage is getting filled up and it’s about to explode. Rushing emotions are pushing me to that state and I just can’t stop it. I have to go with the flow and allow it. Now, depresyon grande is unstoppable.
It’s a selfish state. It’s about me, myself and I, no room for others. It’s about being free! It’s about I’ll do what I want and hell to what they want. It’s about forgetting almost everything, leaving them all behind and doing what makes me happy. It’s about walking on the streets more often and spending all my money. It’s about less patience, more attitude, no work, pure rest, less talk but much social nights, more friends but no attachments, less trust, pure civil, lots of hurtful words but pure honesty. It’s about enjoying what I want and shouting what I hate. It’s about sleepless and tearful nights. It’s about shouting, crying, dying in silence.
It’s a miserable state but that’s how things will be better in the future.
~Love me or hate me. I don’t care. This me, deal with it!~
~eoty 08-25-2011
Maghalo-halo ka nang ‘di ka ma-umay!
Posted by eoty natividad in Life, Personal on August 8, 2011
Ang sabi nila, tayo daw mga tao ay hindi marunong makuntento. Totoo nga naman dahil noon masaya na tayo sa pagbabasa ng mga dyaryo at libro, hanggang sa nakahiligan nating manuod ng TV, tapos naimbento ang computer at mga selpon. Kung tutuusin masaya na tayo noon, pero bakit pa nga ba tayo naghahanap ng iba, ng bago? Siguro kasi may tinatawag na “sawa” o sa mas madalas kong sinasabi na “umay”.
Ikaw ba kung parating karne ang ulam mo, di ka ba ma-uumay? Sa tuwing pag-gising mo may naka-ambang sakit ng ulo, sa tuwing papasok ka ay parati kang napuputikan at sa araw-araw na ginagawa mo sa buong buhay mo ay tila replay ng mga kaganapan kahapon, noong isang linggo, isang buwan at ng mga nakalipas na taon. ‘Yun at ‘yun na lang parati!
Kahit sino naman siguro ay ma-uumay sa ganung klaseng pamumuhay. ‘Yung iba pa nga ay na-uumay na agad sa maiksing panahon, gaya ng isang linggo. Ano nga ba ang dapat gawin? Pano nga ba tayo hindi ma-uumay sa mga nagaganap at ginagawa natin sa buhay?
Para sa kagaya kong mabilis ma-umay, ang ginagawa ko ay humanap at gumawa pa ng iba pang mga bagay na nakakakuha ng atensyon ko. Kaya naman naging certified raketista ako, rumaraket ako at patuloy na naghahanap ng mga bagong raket, tumutulong at sumasali rin ako sa kung anu-anong mga organization at pilit na isinisingit ang iba pang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay. Siyempre hindi rin mawawala ang panahon ko sa mga kaibigan. ‘Di nga lang gaya noong isang taon ang haba ng oras na nabibigay ko, pero kahit through facebook ay ginugulo ko pa rin ang mga buhay nila. Nakakapagod nga ba ang ganitong buhay na mala-halo-halo ang ginagawa? Oo, pero hindi nakaka-umay. Kung minsan nga ay nakakakuha pa ko ng enerhiya para ipagpatuloy ang mga bagay-bagay sa buhay ko.
At dahil masaya ako sa ganitong halo-halong bagay, hindi ko kakayanin ang magapos ng mahigpit sa iisang bagay dahil ipakiramdam ko sa ganong sitwasyon ay para bang nasasakal ako at tila onti-onting inaagawan ng oxygen.
Ikaw, kagaya rin ba kita? Anong kwentong umay mo? Anong ginagawa mo para ‘di ito maramdaman?
~eoty 08-08-2011
40+ Missed Calls. 90+ Received Calls. 365 Days of Love.
Posted by eoty natividad in Personal on July 3, 2011
Matagal ko nang pinlanong magpost ng tungkol sakaniya sa ika-365 na araw. Last week pa lang, balak ko ng umpisahan, kaso masyado pang maaga, hanggang sa na-distract na ko sa JGS Fevah. At nung dumating ang araw na ito, para bang lumipad na lang lahat ng gusto kong sabihin. Parang gusto ko na lang solohin ang pakiramdam na matagal ko nang sinosolo. Pero sa tulong ng mga dati kong drafts na hindi ko natapos, may mailalagay ako.
Para kang pangarap na hindi ko maabot, pero gusto ko pa rin abutin. At dahil diyan, I love it tuwing nilalagyan mo ng “ko” ang pagtawag sa akin na para bang pagmamay-ari mo ako, kapag may “po” ang mga salitang binibitawan mo para sakin, tinitext mo ko pagka-gising mo at sa tuwing tinatanong mo kung asan ako, kung anong ginagawa ko, kung sinong kasama ko, at kung ano ng balita sa akin. Sa tingin mo pa lang natutunaw na ako sa kilig. Makadikit sayo’y nakapanlalamig. Tawag mula sayo’y nakakataranta. Bakit hindi na lang mapa-sakin o mahal?
Yan ang mga nararamdaman ko para sakaniya. At sa mga na-post ko na dati dito: Kunware, A Minute Of Your Time, Keeps The Sadness Away, Quicksand at Q4, halos lahat ng nakalagay sa mga yan ay ganun pa rin hanggang ngayon. Kung paano at bakit tumagal ng ganito, hindi ko alam.
Kung minsan tuloy naiinggit ako sa Hoi Hoi Couple ng My Girlfriend is a Gumiho at sa 100 Days Deal sa Marry Me Mary. Dahil sa 100 days may development ang mga love life nila, samantalang sa 365 days ko, wala.

Kung minsan tuloy gusto ko siyang tanungin na pwede bang akin ka na lang? ♥ hahaha Kung minsan din gusto ko na lang magmahal ng iba para malimutan siya. Kaya lang hindi ko kayang magmahal ng iba hangga’t mahal ko siya.
At ngayong, umabot na ako sa araw ng quota. Ipinilit kong ilagay sa utak ko na hanggang dito na lang dapat ito. But with just one call, with just one text, it brings back the spell that you’ve cast upon me.
I love you, goodbye na ba ang eksena ko sayo Tropicana Guy?
~eoty 07-03-2011
Fevah!
Posted by eoty natividad in Personal on July 2, 2011
Dun sa nakaraang post ko, na mababasa dito, naikwento kong may bago akong libro. Hindi naman ito makapal at may mga illustrations pa kaya inisip ko na saglit ko lang ‘yun babasahin at hindi ko na mananamnam ang magical words ng libro. Pero nagkamali ako, hanggang ngayon hindi ko pa siya tapos dahil nagkaroon ng matinding distraction:
Makalipas ang isang linggong pagpapalabas ng ABS-CBN sa palabas na Marry Me Marry (Mary Stayed Out All Night) ay talaga namang na-hook ako. Naging interesado ‘ko sa palabas na ito siguro dahil may mga piling sitwasyon na nakaka-relate ako. At nakikita ko rin ang sarili ko sa mga karakter ng palabas. Para sa mga hindi nakaka-alam ng palabas na ito, tingnan niyo na lang dito sa link.
Pinag-tiyagaan ko ang paghahanap ng mga episode sa iba’t-ibang websites at matagal na pagbubuff mapanuod ko lang. Naturingang comedy ang palabas, pero may mga part na nakapagparamdam sakin na miserable ako, lalo na nung natapos ko na. Kung bakit, sakin na lang muna ‘yun.
At siyempre nung matapos ko nang panuorin, may after effect pa. Nahihiya man akong idagdag to sa post ko ngayon, pero sasabihin ko na rin, para naman ‘pag nagback-read ako balang araw ay mapagtatawanan ko naman ang sarili ko at para na rin masabi na normal akong tao. Hindi bato ang puso ko!

Nabihag ng bidang lalaki na si Jang Geun Suk ang puso ko. Dito nagsimula ang lahat. Sa link na yan pinakita ang pagkanta niya. Kahit noong umpisa ay hindi ko maunawaan ang mga pinagsasabi niya, naramdaman ko ang sincerity, warmth, passion, love at relaxing na nagpagana ng utak ko para mag-isip ng maraming bagay. At nung hinanap ko ‘yung English translation, lalo ko itong nagustahan.
At dahil sa mga rason na nasabi ko sa itaas na paragraph, kasalukuyang mayroong apat na kanta niya ang selpon ko. Ito ‘yung mga title: My Precious, Without Words, I Will Promise You at My Bus. At dahil hindi ko talaga maawat ang sarili ko (minsan lang to, kaya pagbigyan niyo na!), may dalawang video pa akong nilagay sa selpon. Dapat talaga, ‘yung tutorial ng kailangan ko lang ‘yung kukunin kong video eh, kaso naalala ko si crush/idol. Dito ko natutunang i-maximize ang pag gamit ng selpon ko!
Hindi doon natapos ang pagka-inlab ko sa boses at musika niya. Naging pampatulog ko na ang mga kanta niya at naging alarm tone ko na rin sa umaga. Hindi din naman ako masyadong adik eh noh? Bigla ko tuloy naalala ang kwentuhan namin ni kaibigang Jec tungkol sa kaniya. Kung makapag-usap kami, kala mo high schoolers. =)) Sana magkaroon siya ng show o mini concert dito sa Pilipinas. ‘Pag nangyari ‘yun, gagawa talaga ako ng paraan para mapanuod siya! =))
~eoty 07-02-2011



Recent Comments